Friday, 15 April 2011

Gaano Ba Kalayo Ang Makati, Philippines Sa Aguascalientes, Mexico?

I am really stunned, depressed, and hopeful this week. Tumililing na naman ang utak ko na magpakamatay pero hindi ko rin naman magagawa kasi duwag at takot ako sa kamatayan.

In love ako mga Brad! In love ako sa isang Mexicano. Pero hindi ko alam ang gagawin ko kasi isang buwan at isang linggo pa lang namin kami magkakakilala. Pwede ka bang ma-inlove sa ganoong kaisang panahon? Sa nararamdaman ko, pwede naman. 

Ang hirap kasi kapag alas onse ng umaga sa atin, alas onse naman ng gabi sa kanila. Ang hirap ng long distance na pag-uusap. Sa awa naman ng Diyos, gising siya ng mga ganung oras.

Nagustuhan ko itong tao na ito dahil higit sa lahat gwapo siya. Pero nung nagkakausap kami, para siyang U.P. student sa mga prinsipyo niya ukol sa pulitika. Isa siyang dise nuebe anyos na mag-aaral ng Political Science and soon-to-be-lawyer ng kanyang bansa. 

Nagustuhan ko rin siya dahil sa liberal at humanistiko niyang pag-iisip. Naniniwala kasi siya sa social equality at sexual diversity. Tumalon ako sa tuwa kasi sinabi niya sa akin na bisexual siya. So may pagkakataon ang homosexual na'to. 

Isa pa, fan siya ng mga paborito kong musika especially ang The Killers. Palagi ngang napapasok ang The Killers at si Brandon Flowers sa mga usapan namin. Sa isip-isip ko, we are so perfect for each other.

Ngunit isang bagay ang kumurot sa aking puso. Hindi niya preferred o type ang isang long-distance-relationship. Nasaktan talaga ako mga Brad! Sakit kaya nun. Pero tuloy ko pa rin siyang kinakausap kada alas onse ng umaga dito. Sa isip-isip ko, "Sana magbago na isip mo. Kakayanin natin ito. Sasaya ka sa akin. Single ka, single din naman ako. Bakit hindi pwede?"

Kanina nga, sa sobrang estupido ko, inilagay ko ang tainga ko sa sahig namin kasi ang alam ko sa other side ng floor namin, nandun ang bahay nila. Sana naririnig niya rin ako. Pero tinigil ko na at nag-download na lang ng Skype. Sana makadownload din siya. 

Sana hintayin niya ako at sana di kami magsawa.

DOCTOR + LAWYER = PERFECT <3

Kahit 8,579 milya o 13,806.56218 kilometro ang layo namin, maghihintay ako. 

2 comments: