Si Bro, Ako, at si Sis. :P |
Si Bruce Lee sa Star Boulevard |
Nagsimula ang ikalawang araw ko na nagising ako sa alarm ng CP ko. Nag-alarm ito ng 6AM. Nagising ako mga 6:15AM. Sis Sister tulog pa rin, so naligo na ako. Buti na lang may warm water sa hotel so di pa rin ako gininaw. Gaya ng sabi ko 7AM ang breakfast sa 19th floor. Kasama na sa binayaran ang buffet breakfast na ito sa hotel. Yung iba, hindi, sa labas ka pa kakain. Ang name ng Cafe dun is FENG SHUI CAFE. Maliit na kainan na makaka-occupy ng mga 40 katao lamang. So kailangan maaga ka.
[Pasensya wala akong napicturan dun, yung CP ko kasi nag-chacharge. :))]
Ang almusal sa unang breakfast namin sa HK ay small sausage, hard boiled egg (BTW, yung HBE nila is di puti yung shell. Yung may pagka-beige. Mas healthy raw yun.), Spinach na Shanghai rolls, Caesar Salad, Pork and beans, oatmeal, wheat bread, at maraming pagpipilian na inumin. Sa akin milk tea uli. Ewan ko ba, kung kayo adik sa kape, ako sa tsaa. Sarap eh. Mas healthy pa sa kape.
Ang itlog ko sa H.K. |
After nun balik ako kaagad sa room namin para magbrush uli ng ngipin at para ihanda ang dapat ihanda sa City Tour sa buong Hong Kong. Camera. Passport. ID. Extra shirt. Water. At iba pa.
Mga 8:10AM gora na kami kasama si Brian/Bryan with driver.
FIRST STOP: Hong Kong's Walk Of Fame (Star Boulevard)
Pagbaba nain dun sobrang lamig at mahangin. Kasi ba naman nakashorts lang ako. At wala pa si yellow jacket ko! Kitang-kita mo ang Hong Kong side mula sa kinatatayuan naming Kowloon side. Super ganda at nangangatog na ako sa lamig. May Starbuck's malapit doon. Unang-una, nagpakodak muna kami. Then naglakad-lakad na. Hinanap ko yung STAR NI JACKIE CHAN at BRUCE LEE pero di ako nagtagumpay.
Star na ako sa H.K. kasama sina Jackie Chan, at Bruce Lee |
Sa halip ang nakita ko lamang is sa ibang star ng Hong Kong.
Nang lumaon, kodak pa rin kami ng kodakan. Kahit sobrang lamig. Nagpapicture kami kasama ang isang Chinese photographer na nagngangalang Michael. Pinicturan niya kami ng tag-iisang picture katapat ang Hong Kong side ng Hong Kong. Napakaganda ng tanawin mula roon sa Kowloon side. Malalanghap mo ang mala-Baguiong hangin at mabasa-basang simoy nito.
Ang kamay ni Jacky Cheung |
SANA AY MAAMOY NIYO RIN!
Ang nakodak ko na kamay ay yung kay Jacky Cheung. Siya yung artista na napanood sa mga DVD ng sister ko na mahilig sa mga Asianovela. BTW, singer at songwriter din siya sa naturang lugar. Sikat siguro siya dun. :))
After nun bili muna ako ng Hot Green Tea Frappe sa kalapit na Starbucks's. Sarap. Sakto ang init sa lamig ng Star Boulevard ng Hong Kong. After mga 10 minutes, alis na kami para sa 2nd stop ng City Tour doon sa Hong Kong side.
Ito ay ang JW Jewellery Shop. :))
SECOND STOP: JW Jewellery Shop sa Hong Kong Side
Mga 20 minutes ang lakbay mula Star Boulevard hanggang sa JW kasi pupunta kami sa Hong Kong side gamit ang underwater bridge ng Cross-Harbour Bridge na nagkokonekta sa Kowloon at Hong Hong Kong sides. Astig nooh! May bayad papunta doon. Ang tawag is AUTOTOLL.
Boring kasi di naman ako madatung. |
Pagpunta namin sa JW Shop. Parang shop lang sa Binondo pero mas malinis naman kung ikukumpara sa Binondo. Ang bestseller nila ay yung may design na apat na elisi. First elisi means family. Second is prosperity. Third is fame. And the last is success. Di ako nakakakuha ng picture kasi bawal. Alam niyo naman, libo at milyones ang halaga nun.
Nakatawag ng pansin sa akin na sinabi ng tourist guide na nagpunta roon si PACQUIAO at namakyaw ng elisi necklace... MARAMI RAW... Hayz... May picture pa nga siya dun eh. Bawal uli kunan. >.<
Di ako nag-enjoy kasi wala naman akong ganoong pera para makabili. Yung tita ko nakabili. HK$199.00 ang halaga ng bracelet. Ayun.
THIRD STOP: Global Export Oulet (GEO)
Dito ko nabili ang mga CHAMPOI! Mura dito! :)) |
Dito sa store na ito mabibili ang sarisaring mga pasalubong sa Pinas. Nandito ang walang kamatayang Champoi. Chocolate. TShirsts. Relos. Mga Disney Souvenirs na mas mura di hamak kaysa sa Disneyland kung dun mo pa bibilihin.
Nakabili ako ng 2 packs for HK$100.00 na Champoi. Nilibre ako ng Sis ko ng HK$25.00 kasi kulang pera ko. Biruin mo said si Php500.00 sa dalawang Champoi lang?! Pucha talaga. Kailangan na ngang magpapalit ulit ako ng Php. Ambaba talaga ng pera natin nooh! Kayamot! Talaga!
FOURTH STOP: Fisherman's Village and Jumbo Floating Restaurant
Sa tingin ko ay narinig niyo na ang Jumbo Floating Restaurant. Meron din tayo niyan sa Pinas. Sa Manila Bay pero ang alam ko nilalangaw na yung sa atin pero todo pa rin sa open. Pano ba naman, ang mahal ng pagkain dyan.
Para malibot yan, kailangan sumakay sa isang bangka na may 9 na katao kasama na ang Singkit na operator. Bawat tao ay magbabayad ng HK$50.00. Sina parents na bahala dun. :P. Sabi ni Bryan/Brian. DO NOT PAY UNTIL THE JOURNEY IS OVER. Kasi ba naman kapag nagbayad ka pala kaagad, ililibot ka lang mga 6 to 10 minutes. Eh ang pala usual is 20 minutes. Dugaaa!
Sulit naman si HK$50.00.. maganda ang tanawin. Mga bangkang nakadaong sa maayos na paraan. Mga gusali. Mga singkit at kanilang nakaririnding mga tinig. Malinis na tubig. Sa Pinas kaya? Sana nga luminis na si Ilog Pasig... :( T.T
FIFTH STOP: Victoria Peak, Ang Ayala Alabang at Forbes Park ng Hong Kong
Mula sa Jumbo, mga 20 minutes ang biyahe patungong Victoria Peak. Kumain na kami dito ng super fast ng lunch. SANDWICH. Dito ang mga bahay ng mga mayayaman na Hong Kong Nationals, dalawa na rito sina Jackie Chan at si Steven Chao/Chow, si Steven yung bida sa Shaolin Soccer, yung baliw at payat! Sabi ni Bryan/Brian aabutin daw ng milyon in HK$ ang mga bahay nung mga mokong na yun. So malamang mga bilyon na yun sa atin. :)) Hayz, kaya sana yumaman na ako. :))
Sabi pa ni Bryan/Brian, mas maganda raw view pag gabi dun. Kaya lang hapon kami eh. :((
Nagstay kami dyan mga 1 oras. May kainan naman eh. After nun. Bus tour na lang hanggang 8PM. Masaya yung bus tour. Di nakakapagod. Sarap umupo at mas masarap kung magagandang tanawin ang iyong nakikita.
After nun dumating ang dakilang photographer na si Michael dala-dala ang mga platong may mga picture namin mula sa Star Boulevard! WE WERE TRICKED. Kala ko pa naman picture lang! Yun pala magbabayad kami ng HK$160.00 para dun! Patay na! Buti na lang mayaman ang Sister ko dahil sa Tita niyang paborito sya. Binigyan pala siya ng HK$3,000.00 mula pa sa Pinas! Pucha! Salamat sa kanya at nakabayad ako!
Ito ang binayaran namin:
Siya ang kapatid kong nagbayad sa akin. :) |
After nun, uwi na kami sa Hotel. Pagod kasi bukas ganun uli ang gising! Kumain muna kami sa tabi-tabi. Ako niligo at tinulog ko na lang. Nanood pa nga ako ng KILLSHOT eh sa STAR MOVIES. After nung film, mga 11PM, pinatay ko na at natulog na.
DISNEYLAND NA BUKAS! :)))
DISNEYLAND NA BUKAS! :)))
--------------------------------------END FOR A WHILE---------------------------------------
Ang itlog ko sa HK. xDDDD
ReplyDelete