Sunday, 10 April 2011

Day 01 sa Labas ng Pinas!

Bago ako magsimula, salamat muna kay Mr. Tawingan dahil na-inspire ako mag-blog. Ayun. Maraming salamat. Kahit post ka ng post ng blog mo sa Bio page natin at walang masyadong pumapansin, ayun pa rin tuloy ka ng tuloy.


Me at Pinas Airport
(Pasensya na kung nakatagilid. Di ko kasi alam kung pano i-rotate eh.)


4AM ako ginising ng lola ko para sa napaka-exciting na 5-day trip ng buhay ko. Pupunta kaming ibang bansa at sasakay ako ng eroplano. 4th time ko na nakasakay sa eroplano. Oliver's Sandwich ang almusal namin. Nakajacket akong yellow at may suot na I<3H.K. Napapantalon ako para iwas lamig. Malamig daw sa PAL.


Mga 5AM, gora na kami papuntang airport. Ayun. Inaantok pa ako. Todo play ang CP ko ng mga Adele songs. Ganda pampatulog eh. Handa na ang lahat. Passport. ID. Bagahe. Basta handa na. Nacheck-in na ang mga bagahe. Pagakatapos pumila na kami sa Immigration lane. Nakakairita kasi parang dito lang ata sa Pinas may Immigration/Boarding Fee. Pucha. Ang panget naman ng airport natin! Php750.00 bawat tao rin yun ah! 


Mga 8AM, nagpapasok na yung mga taga-airport sa eroplano namin PR 3110 ang name ng flight/plane namin papuntang Hong Kong. Maganda naman in fairness ang serbisyo ng PAL. Masarap ang pagkain. Chicken Adobo ang pinili ko kaysa sa Spare Ribs Noodle Soup. Tapos nag-Milk Tea ako. Sarap. May mamon pa ng Red Ribbon. Kaya nga lang, di gumagana yung music player ko sa plane. Nasa gitna kasi ako. Di na-avail yung side seat ng airplane which is gumagana ang music player doon. Badtrip. Bawal kasi electronic gadgets sa plane. Natatandaan ko, ang palabas nun sa eroplano is Just For Laughs.

Magaganda naman ang mga stewardess. Yung mga steward, okay lang. Most of them kasi mashoshonda na. By the way my lolo in my Papa's side was a steward of PAL. So, pogi talaga ako. :)) 

Mga 9:30AM nasa H.K. na kami. Manghang-mangha ako sa new airport ng Hong Kong kahit nung isang taon naka punta na ako. Ganda talaga eh. May tren para lang makalabas ka pa. Pero, nasira ang mood ko nung halos alahating oras kaming nag-intay sa kakahanap ng bagahe ng sister ko. Ayun pala, nakuha ng iba. So nagpunta kami sa Baggage Services ng naturang airport. Astig. Na-trace agad nila. Sa Pinas kaya? :))

Pagbaba namin ito ang tumabad sa amin:

Hong Kong Airport in Lantau Island
Napakagandang airport runway. Mga shops. Napakalawak na airport. By the way ang airport ng Hong Kong ay nasa Lantau Island, nandito rin ang Disneyland. Wala na sa Kowloon side. Sinundo kami ng aming tourist guide na nag-ngangalang Bryan/Brian. Ang galing ng taong ito kasi alam niya ang Pilipinas in general. Yung mga tipong stuffs about Philippines alam niya. Ang mga alam niyang Filipino words ay TAYO NA, UNGGOY, MAHAL KO KAYO, SALAMAT . . . By the way, UNGGOY (Cantonese) for them is THANK YOU. Nagpapalit muna kami ng Php patungong HK$... HK$1.00 is equal to Php6.00 more or less. Pinapalit ko is Php500.00 which is HK$75.00 more or less. AMBABA NOOH! 
Hong Kong Dollars

Mga 45 mins ang layo mula airport hanggang sa hotel namin. Sa may Kowloon ang hotel namin. Ang name ng hotel namin is Dorsett Seaview Hotel located in Shanghai Road corner Reclamation Road.Maganda ang hotel kahit maliit. Di gaya dito maliit na swangit pa. 

Ang isa pang isheshare ko ay ang sistema na daanan dito. They are using right-driving system kung saan ang driver ay nasa right ng kotse! GULO KO AH! Kung sa atin KEEP RIGHT, sa kanila KEEP LEFT sa daanan. :))

 
Lantau-Hong Kong Bridge: A Work Of Art

Ito ang Lantau-Hong Kong Bridge. Ganda nooh! Nung dumaan kami dyan super cool talaga. Efficient na aerodynamic bridge na, maganda pa. Unlike here, nabubulsa ang pera para sa mga ganyan sanang construction. BITTER!

By the way, malamig sa H.K. that time. Mga 16C ang weather that time so ansaya. Hahahaha! Todo yellow jacket pa rin ako.


My Sis in her bed. 
Pagadating namin sa hotel, nahiga muna kami ni sister. ang number ng room namin is 904. Nasa 9th floor kami. Small ang room with two beds pero super lins, ganda, at may TV pa. Ang problema lang, isa lang ang English channel, STAR MOVIES. :)) 

Panoramic view from our room's window
After some quite rest, gutom na kami... we went to the nearest McDonald's. Ganun pa rin naman ang McDo kaya lang walang RICE stuffs. SANDWICHES ang uso dun. Ang inorder ko ay GCB. Ang meaning nung GCB is Grate-tasting Chicken Burger. Chicken sandwich siya na maraming gulay. Love it. HK$38.00 yun with regular fries at regular coke zero. Masarap siya. Iba nga lang lasa ng ketchup nila. Parang Jollibee nga yung lasa eh. Basta nilasap ko bawat kagat sa sandwich na yun. Sana nga sa Pinas mailabas din yang GCB na yan oh. Mag-eenjoy talaga kayo. Di kasing anghang nung sa KFC. Tama lang. Healthy pa. (Namimiss ko na H.K. at this point of time.) Sana matikaman niyo rin.

GCB, ang kinain ko sa McDo sa H.K.
Chicken Wings ni Bro. 
Yung iba kong family members, yung simpleng nasa Pinas din like Cheeseburger, Nuggets, Sundae, Fries, pero yung sa kapatid kong lalaki na si John-John, unique rin. ANG INORDER NIYA AY CHICKEN WINGS. Masarap pero konti. 4 pieces lang. Maanghang na matamis. Sweet and spicy ika nga. Mukha ngang nagkulang siya eh. :)) Kaya bumili pa siya sa kalapit na 7 Eleven ng Hotdog. 

Isa pang napansin ko ay ang moviehouse nilang pangalan ay Cinemateque. Puro Chinese films ang nilalabas. Siguro todo suporta sila sa films nila? Sa atin kasi na alienate na ng banyagang films ang mga panlasa ng mga Pinoy eh. Yung Happy Meal pala nila is yung Spongebob. :)) 

After nun, balik na kami sa hotel, pahinga ng konti para maglibot sa Kowloon. Sumakay kami ng tren ng Hong Kong. Ang name is MTR! :)) Mass Transit Railway. Ito ang mapa ng buong MTR! 

MTR Map System. Kami ay nasa Yau Ma Tei. Yung Green and Red. Pangatlo sa baba. 


Nilibot namin ang Red System. Nakakapagod pero okay lang. Kung sa MRT natin sobrang crowded na, wala pa rang pipigil para pumasok. Sa kanila, mayroong mga forces para i-regulate ang mass. Bukod sa pinto ng MTR, meron pang glass window ang MTR nila. Here is the photo from Tsuen Wan/Admiral Station: 

Look! May GLASS DOOR pa bago sa PINTO mismo ng TREN.

After that activity, umuwi na kami sa hotel para kumain at magpahinga kasi 8AM a ang City Tour Proper eh. Ang breakfast is 7AM sa 19th floor. Kumain kami sa hotel ng Chinese foods. Mahal nga bill eh mga HK$946.00 para sa aming 6 na yun... mga kulang-kulang Php 5,676 na yun sa atin... ANG MAHAL TALAGA TAPOS PINASIDHI PA TO NG KABABAAN NG VALUE NG PERA NATIN! >.<

Umakyat na kami sa kanya-kanyang kwarto.. Kasama ko si Sister sa kwarto. Si Bro, kasama nina parents. Sila Tito at Tita... ibang bayad sila. :)) . . . SA HIRAP BA NAMAN NG BUHAY! =))

---------------------------------------END FOR A WHILE------------------------------------




7 comments:

  1. Lol @ the first paragraph!

    ReplyDelete
  2. "Yung mga steward, okay lang. Most of them kasi mashoshonda na. By the way my lolo in my Papa's side was a steward of PAL. So, pogi talaga ako. :))" haha

    ReplyDelete
  3. Bakit nga ba mayayaman ang mga singkit? Singkit ka ata e, ang yaman mo. Nakaka-inggit kasi pa HK-HK ka lang. Hahaha. Keep writing entries. Masarap magsulat, magbasa at magshare ng brilliant ideas. :D

    ReplyDelete
  4. Uy di ako singkit! Salamat, Tawi. nainspire talaga ako! :))

    ReplyDelete