Sunday, 22 April 2012

Binasted namin ang isa't isa.

MAG-IISANG TAO NA BAGO ULI AKO MAG-POST! Hahahahah! Sorry 'di kami natuloy sa Bangkok so walang travel blog this year. Sobrang sakit ng ginawa ni MJ sa'kin. At mukhang ganun rin ako sa kanya. Oh well, pantay lang pero sa loob-loob ko ako ang mas talo kasi iniisip ko pa rin siya.

Bakit niya ako binasted?
1) Schedule
2) Dreams
3) Lipids sa aking katawan (Aww!)
4) Boring daw siya
5) Sobrang talino ko raw

Bakit ko siya binasted?
1) Kasi binasted niya ako. :(

Saturday, 4 June 2011

Ang "Born Again" at ang "Born This Way"

Ano nga ba ang tingin ng mga ibang Born Again kay Lady Gaga? Ang tingin nila'y nanlilisik. Kala nila'y napakalinis na ng mga budhi nila. Nakita na ba nila at sinaliksik ang mga lyrics ng kanta niya. Kung hindi, hindi niyo pwedeng isuma na siya ay sademonyo. Gusto ko mag-rage out sa mga taong iyon. Hindi ba nila na alam na "men of words" lang sila. They are not "men of action". Kumbaga puro mga salita't panghuhusga. What do you learn from your countless worship day? Your cellgroup?... To judge her without evidence? 

Screw off. :"P

Sunday, 15 May 2011

Kung pwede lang baguhin...

10 mga bagay na gusto kong baguhin sa aking sarili pero huli na ang lahat. Tinanggap ko na lang.:


1) Homosexuality 
2) Pababago-bago ng isip 
3) Magastos/Maluho
4) Kuripot
5) Madaling mahulog sa isang lalaki
6) Apostate 
7) Prangka
8) Vain
9) Madaling ma-bore
10) Green minded


Nakapag-blog din. :))

Thursday, 21 April 2011

Gayahin ko nga si Tawi. XD

Sampung mga kanta na lumabas sa shuffled iPod ko:

1) SING by My Chemical Romance
2) Fag Hag by Lily Allen
3) Read My Mind by The Killers
4) Don't Rain On My Parade by Glee
5) Science & Faith by The Script
6) Just Say Yes by Snow Patrol
7) She Will Be Loved by Maroon 5
8) Lost? by Coldplay
9) Grace Kelly by Mika
10) Sins Of My Youth by Neon Trees 

Tinatamad ako sa mahabang post. Next week siguro, okay na. :P

Friday, 15 April 2011

Gaano Ba Kalayo Ang Makati, Philippines Sa Aguascalientes, Mexico?

I am really stunned, depressed, and hopeful this week. Tumililing na naman ang utak ko na magpakamatay pero hindi ko rin naman magagawa kasi duwag at takot ako sa kamatayan.

In love ako mga Brad! In love ako sa isang Mexicano. Pero hindi ko alam ang gagawin ko kasi isang buwan at isang linggo pa lang namin kami magkakakilala. Pwede ka bang ma-inlove sa ganoong kaisang panahon? Sa nararamdaman ko, pwede naman. 

Ang hirap kasi kapag alas onse ng umaga sa atin, alas onse naman ng gabi sa kanila. Ang hirap ng long distance na pag-uusap. Sa awa naman ng Diyos, gising siya ng mga ganung oras.

Nagustuhan ko itong tao na ito dahil higit sa lahat gwapo siya. Pero nung nagkakausap kami, para siyang U.P. student sa mga prinsipyo niya ukol sa pulitika. Isa siyang dise nuebe anyos na mag-aaral ng Political Science and soon-to-be-lawyer ng kanyang bansa. 

Nagustuhan ko rin siya dahil sa liberal at humanistiko niyang pag-iisip. Naniniwala kasi siya sa social equality at sexual diversity. Tumalon ako sa tuwa kasi sinabi niya sa akin na bisexual siya. So may pagkakataon ang homosexual na'to. 

Isa pa, fan siya ng mga paborito kong musika especially ang The Killers. Palagi ngang napapasok ang The Killers at si Brandon Flowers sa mga usapan namin. Sa isip-isip ko, we are so perfect for each other.

Ngunit isang bagay ang kumurot sa aking puso. Hindi niya preferred o type ang isang long-distance-relationship. Nasaktan talaga ako mga Brad! Sakit kaya nun. Pero tuloy ko pa rin siyang kinakausap kada alas onse ng umaga dito. Sa isip-isip ko, "Sana magbago na isip mo. Kakayanin natin ito. Sasaya ka sa akin. Single ka, single din naman ako. Bakit hindi pwede?"

Kanina nga, sa sobrang estupido ko, inilagay ko ang tainga ko sa sahig namin kasi ang alam ko sa other side ng floor namin, nandun ang bahay nila. Sana naririnig niya rin ako. Pero tinigil ko na at nag-download na lang ng Skype. Sana makadownload din siya. 

Sana hintayin niya ako at sana di kami magsawa.

DOCTOR + LAWYER = PERFECT <3

Kahit 8,579 milya o 13,806.56218 kilometro ang layo namin, maghihintay ako. 

Wednesday, 13 April 2011

Day 03 sa Labas ng Pinas!

Ang ikatlong araw ko sa labas ng Pinas ay ang pinakaaasam ng bawat bata sa buong mundo. Ito ang DISNEYLAND. Kung mapapansin niyo, pareho ang naisuot kong polo nung 2nd day. (Hahahahah!) Mali ang nabunot ko. At nakashort pa ako dahil mainit daw that day, and yes, MAINIT NGA! 

Gaya kahapon ng umaga, gora uli kami sa 19th floor para mag-almusal. Ang mga bagong pagkain ay spam, fried eggs, corned beef, oatmeal, at iba-iba uling drinks. Tsaa uli ako as usual. Maraming tao that day sa Cafe. Mas puno kaysa sa kahapon. After that punta na'ko sa room for preparation. This is the most exciting day for me. Disneyland is coming! 

Mga 1 oras ang lakbay patunggong Disneyland gamit ang bus ni Brian/Bryan. Anlayo nooh. Sa Lantau Island pa kasi ang Disneyland. 

Napakahaba ng lalakarin mula sa main entrance ng Disneyland patungo sa ikalawang main entrance. (Nahilo ka ba?) Oo! Dalawa ang entrance sa Disneyland. Pa-L pa nga ang shape ng lakaran eh. 

Ang unang entance sa Disneyland. :-|
Ikalawang entrance. Dito kinukuha ang ticket na nagkakahalaga ng HK$350.00. Pucha mahal!

Pagkapasok naimin kumuha kami ng mapa ng buong Disneyland at jumingle muna ako kasi anlayo kaya ng lakbay mula hotel. Nakita namin ang mukha ni Mickey Mouse na nabuo sa pamamagitan ng mga bulaklak. Nagkodakan muna kami bago gumora para magrides. 
Mukha ng Main Mascot ng Disneyland sa buong Earth.

Kung mapapansin niyo may castle sa taas ni Mickey Mouse. Iyan ang Main Station ng tren na lilibot sa buong Disneylang paikot. Dyan kami unang sumakay after nagkodakan sa mukha na yan ni Mickey Mouse. Mainit that time pero mahangin. 

Almost 20 minutes kaming naghintay sapagkat kaaalis lang pala nung tren so maghihintay uli kami para makabalik ang tren na iikot ng Disneyland.

Kodakan kami sa napakandang view. Mga punong nagsisiwagayway sa kagubatan ng Lantau Island. 

Ang mapa ng Disneyland sa Hong Kong. (Luma na ata ito at di ako makahanap ng latest.)

Nang sumakay kami sa tren, may dalawang Chinese na batang babae ang pumunta sa lugar namin. Nung umupo yung Tito ko sa lugar nung dalawang Chinese, umalis ito at mukhang iiyak. Nung bumalik sila sa lungga nung mga magulang nila, aba, tumayo si punggok na maputing hilaw na Chinese na babae at dinakdakan na ang Tito ko ng mga salita niya na ni isa ay di naman namin maintindihan. Pucha! Anung ginawa ng Tito ko at putak siya ng putak?! Di naman namin pinaalis yung mga anak niyang hilaw. (I am not being racist!) Talagang iritang irita ako. Di ko tuloy napicturan yung mga lugar from a train. Dumaan na kami ng Fantasyland station, masama pa rin ang loob ko. Buti na lang bumaba na yung mga unfriendly at di mga hospitable na mga mamamayan ng Hong Kong. Kainis talaga. Alam mo yun, yung feeling na napahiya kami sa mga Indian, kapwa nila Chinese, at iba pa. Publicly humiliated si Tito. May upuan naman sila ah? Di pa manahimik dun.. Sa atin nga eh, kinukuha agad ng magulang ang mga anak pag nasa ibang lugar. Well, culture shock lang ba ako o inis lang talaga!

STOP 1: TOMORROWLAND

Ang pinakanakakatakot DAW na ride sa HK Disney.
Pagkababa namin sa Main Station derecho kami sa SPACE MOUNTAIN. Pag pipila ka sa bawat rides ng Disneyland, ang may tinatawag silang express lane at regular lane. Kapag express lane ka, mabilis kang makapapasok sapagkat member ka ng Disneyland, Kumbaga sila yung may gate pass. May tinatawag din silang waiting time. Dito malalaman kung ilang minuto o oras ka maghihintay para makasakay ng rides. Ang galing nooh! So expected mo na kung kailan ka makasasakay sa rides. 

Ito yung tipo ng ride na dapat Boy Scout ka, laging handa. Sapagkat madilim ito na indoor rollercoaster na kung saan wala nga loop pero marami namang steep and turns so di mo malalaman kung lalagpak ka pa o tataas. Kailangan nakaipit palagi ang tyan ninyo.

StarLiner Diner. Dyan kami kumain ng Early Lunch.
Pagkababa sa ride, nakita namin yung mga pictures ng mga mukha namin sa Space Mountain. Yung iba parang ginahasa. Yung iba parang mamamatay na. Pasensya di ko napicturan, gutom na kasi ako. Parang wala nga lang eh. Mas nakakatakot pa yung Space Shuttle natin sa EK. :)) 

Pagkatapos noon nag-early lunch na kami malapit sa Space Mountain. Madilim pagpasok doon. Nandun talaga yung aura nung TOMORROWLAND. Space motifs ika nga. Umorder ako ng Cheeseburger with regular coke zero and fries at nagkakahalaga iyong HK$65.00. Ang mahal di ba?! I-times 6 mo, yun sa Php. 


Ang Orbitron.

After tsumibog, pahinga muna ng konti para ituloy ang rides. Mga 10 minustes na pahinga lang naman. Pumunta na kami sa ORBITRON para sumakay ng pambata. Masaya kasi pwede mo dito icontrol ang pagbaba at pagtaas ng spacecraft mo. Pambata itong ride na ito pero okay lang. Pambata nga Disneyland eh. 

By the way, ito yung ride na puro planeta sa gitna. Yung number parang maraming bilog sa mapa. Yung SPACE MOUNTAIN sa right. Yung parang nasa stadium. Please look na lang the map. 

Astro Blasters ni Buzz Lightyear! 


After that nagpunta kami BUZZ LIGHTYEAR'S ASTRO BLASTERS. Ito yung tipo nung ride na pambatang mapapagod ka. May isang parte dun na para makasakay ka ay dadaan ka sa runway na gumagalaw. Nakakadapa pero kineri namin. :)). Ride din na ito na parang babaril ka sa mga nakakakalat ng (X) at pag nabaril mo yung mga (X) may scored. Di ako nakapicture doon kaya kukuha na lang ako sa net para makita niyo kung paano yung ride na yun. :)
Autopia: My favorite ride.


After that, gora na kami sa Autopia. Ito yung closed pa sa mapa. Bukas na siya actualy. Ito yung bumpcar nila pero hindi ito bumpcar. Isa itong race track ng mga kotse. At btw, ang kotse dito ay naka right-driver system so nasa right side ako. Tig-iisa kami. Ang waiting dito is matagal. Mga 20 minutes pero tyinaga namin kasi mukhang masaya. Mahaba-haba ang track na ito. Mga 10 minutes lahat lahat na. Masaya nga sa Autopia. Sarap kasi magdrive eh. Buti di ako nababangga sa mga ibang kotse. Magaling ata ako. Hahahahah! Joke lang naman! Basta isa sa mga favorite ko tong Autopia sa Disneyland sa Hong Kong. 

May isa kaming di nasakyan at yun yung number katabi ng SPACE MOUNTAIN sa mapa. Yun yung STITCH ENCOUNTER. Hindi naman siya necesarilly ride. Show siya ni Stitch pero sayang pa rin. Andami kasing nakapila. Mga 35 minutes ang waiting time so gora na lang kami sa FANTASYLAND. Kalungkot. :(

STOP 2: FANTASYLAND

Dito sa Fantasyland matatagpuan ang pinakamagandang scenery at pinakamarami na pambatang rides. So mag-eenjoy ang anak kong babae dito. She will be the princess of this land. :)) 
It's a small world afterall. It's a small world.

Ang una naming sinakyan ay ang IT'S A SMALL WORLD. Wala pa ito sa map. Check niyo na lang sa net. :D Bago kasi itong ride na ito. Doll house ang motif ng ride na ito. Sasakay ka sa gondola with 10 people ang maximum. Iiikot kayo for about 10 minutes and you will see the world. Divided ang ride na ito sa many regions of the world mainly the continents plus the fictional worlds of earth. Lahat ng dolls dun is kumakanta ng It's A Small World depending in their languages. So imagine that, maraming versions ang kantang iyon na sabay sabay and synchronized. By the way, I heard the Filipino version and it's cool. :))

Antartica
United Kingdom
Di ko matandaan
France
India/Aladdin
Forest Friends
IDK
Ewan
Native Americans/Pocahontas
Korean
Thai
PILIPINAS!
Korean/Japanese/Chinese/Ewan
Mermaid
PAALAM! :))
Kung inyong makikita, napakaganda ng konsepto ng ride na ito. May tema ito ng pagkakaisa sa bawat lahi. Ang sarap isipin nooh na bati lahat ang tao. Parang mga bata... may mga pag-asa sa kanilang mga mata. Sana di na magsungit ang mga Chinese. :))
Dumbo at ang malalaki niyang mga tainga.


Ang susunod ay kakonsepto rin ng ORBITRON. Ikaw ang mag-aangat ng sinasakyan mo. Ang ride na ito ay nagngangalang DUMBO THE FLYING ELEPHANT. Naaalala ko pa nung nanonood ako ng Dumbo. Ang cute niya talaga. Sa taas niya ay yung dagang nakakairita. Masarap din dito kagaya nung sa ORBITRON. Ikot ka lang nga ikot. Ayun. Pambata uli ang ride na ito. Sana tulad ni Dumbo lumaki na rin mga tenga natin para di tayo bingi sa mga nangyayari sa paligid nooh? At sana wala ng mga nagbibingi-bingihan. Serious. 

Si Mad Hatter oh!

Ang next na ride namin ay yung MAD HATTER TEA CUPS. Wala namang espesyal sa ride na yun. Gusto ka lang naman pasukahin at pahiluhin. Pero di nangyari sa akin yun. Tigasin ata ako. Pambata talaga yun. Yung mga tipong pangmahina at pangsenior citizens. :)) JOKE!
Cinderella Carousel
Ang susunod na pinuntahan namin ay ang Cinderella Carousel. Typical na ang mga ganitong tipo ng rides sa buong mundo. Pero eto ako, ready na sumakay. Bata pa rin naman ako kahit 18 na ako. Masaya lang talaga magpakabata. Mga 25 ikot ata ang ride na ito. Sulit naman. May background music din tulad nung sa EK. Yung pang-princess talaga ang music. Pero di nga ako nangarap maging prinsesa eh o kahit maging babae. Napakakumplikado lang. Masayang maging lalaki. Kaya lalaki rin siguro ang hanap ko. Ayun. Masasaya naman kami after naming bumaba. What a fairytale story. :)

Winnie the Pooh!


After that dramatic monologue, nagpunta kami sa ride ni Pooh! :">. I'm in love with this. THE MANY ADVENTURES OF WINNIE THE POOH ang pangalan nung ride. It's a ride na sasakay ka sa isang Hunny Pot and magkwekwento ang narrator ng isang Winnie The Pooh book habang umaandar. Ang kakaiba dito di lang ito straight. May curves, lubak, and slides so enjoying. Actually I did not pay attention dun sa story. Gusto ko lang yung ride. Yung feeling kumbaga. Sobrang ewan na lang kung may nakinig pa. :))




These pictures were misplaced. These are the parade pictures. :)




Then we went to Mickey's Philharmagic. Katumbas ito ng Stitch Encounter sa Tomorrowland. Ang pagkakaiba lang dito 4D ito. Yes, you heard me right. 4D ito. So it means may wisik wisik pa ng tubig effect kahit naka3D glasses ka lang. The show was all about Mickey Mouse and his orchestra and how Donald Duck failed like nabuhusan siya, nabuhusan din kami. Like that stuff. It's so kiddie yet I enjoyed it naman. I did not have the chance to take the pic of it kasi nagmamadali kami kasi kabubukas lang nung show. :(

Lumabas kami at si Sis nagpapicture kay Tinkerbell bago siya sumabak sa Parade. Kuhang-kuha ng babae na yan ang mannerism ni Tinkerbell. Clap! Clap! Clap! 

Si Tinkerbell. :P

By this time mga 5PM na. The Parade is on. The most awaited event in the Disney. These are the pictures. :)) Hindi ko na lalagyan ng caption. :P Kakatamad. 






May di kami nasakyan sa FANTASYLAND. Ayun ay ang The Golden Mickeys. Sarado kasi. Ginagawa. Sayang naman. So pumunta na lang kami ADVENTURELAND.

THIRD STOP: ADVENTURELAND

Part of Parade: These guys are hot. 
In my opinion, this is the most boring and bland part of Disneyland. Wala masyadong ride dito. Puro tour lang pero mapapagod ka kasi may island sa part na ito and you need to ride a RAFT in order to go to the ISLAND OF TARZAN and go back as well. Ayun. The Island of Tarzan has a big TREE HOUSE. It's like a giant playground. May monkey bars, slides. and many more. By this time kasi haggard na ako. 

Para sa akin lagyan nila sana ng attraction like, TOUCH THE ABS OF TARZAN. With that my energy level will get back to the highest level. Hahahah! Joke! Di ko rin magagawa yun, my parents were there. I might be out, but I still keep the what-conservativeness! Hayz...


Ayun... These are the pictures taken in this boring land:
Ride called JUNGLE RIVER CRUISE withe the fat girl Kim Sam Soon. She's funny. 

The RAFT to TARZAN'S TREEHOUSE/ISLAND. 

Artificial elephants. :P

Synthetics.

Funny! =))

Geysers

Biglaang bulwak sa tubig.

Sa tour with Kim Sam Soon.

Malapit na yan sa daungan.

After that we watched the LION KING SHOW. One hour yun. :)) Andaming PINOY PERFORMERS.
Nag-enjoy ako kasi maring gwapo at macho. :))


Jungle River Cruise

Pangalan ng RAFT namin. Natatandaan ko ang pangalan ng nag-operate niyan ay Maria. Wala lang. 

ABS House

Play

Play

Play

The Show Poster
After that we just wait for the 7:30PM because the ULTIMATE FIREWORK EXTRAVAGANZA will close the day for Disneyland. :))


So sad wala na akong photos, Na-low battery. Kainis navideo ata ni Sis pero di pa niya nalalagay! :(( Meron lang before the FIREWORKS. Malas nooh? Nalowbat nung magfifirework na...


Eto yun oh....


LAST STOP: MAIN STREET, UNITED STATES OF AMERICA ALONGSIDE WITH FIREWORKS!

















After that mga 8;10AM, sinundo na kami ni Brian/Bryan. Mga 9PM na kami na kauwi after that kumain kami sa tabi-tabi yung mga tipong KARINDERYA. In fairness masarap at mura. HK$30.00 ang inorder ko. Spareribs curry with rice na. Ayun after nun... uwi na sa hotel. 


MASAYA ANG ARAW NA'TO....Ligo muna bago tulog. :))


Bukas: HONGKONG OCEAN PARK at MIDNIGHT MARKET.


---------------------------------------END FOR A WHILE--------------------------------------